Shell, kasama ninyo sa bawat byahe ng buhay

Batid naming naging mahirap ang mga nagdaang araw. Pero hindi ito hadlang upang tayo ay magpatuloy sa pagsulong sa ating paroroonan. Maligaw man o masiraan, tuloy pa rin ang byahe ng buhay.

Saan man ang iyong patutunguhan, kami’y inyong maaasahan.  Ulanin man at arawin, magdamag pa ring kasama mo. Tuluy-tuloy lang sa pagkarga ng dekalidad na gasolina, pagpalit ng langis ng makina at paghigop ng mainit na kape sa Shell Deli2Go. Alam namin na hindi ito ang panahon para tumigil, dahil kung walang enerhiya, hindi uusad ang ekonomiya.

Sama-sama tayong aahon para sa magandang kinabukasan.

Isang daan at anim na taon na tayong magka-agapay sa byahe ng buhay. Halina’t tahakin natin ang susunod na isang daang taon.

Most Popular

Latest

More Articles Like This